Ano ang pananaw ni Pygmalion kaugnay ng kababaihan noong una?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang pananaw ni Pygmalion kaugnay ng kababaihan noong una? Kasalukuyan ko po binabasa yung buod ngunit medyo hindi ko maintindihan yung part na yon eh..

Sagot verified answer sagot

Ano ang pananaw ni Pygmalion kaugnay ng kababaihan noong unaAng pananaw ni Pygmalion sa mga kababaihan noong una ay hindi siya interesado sa mga ito. Matapos niyang makita na ang mga Propoetides ay ibinebenta ang kanilang mga sarili, sinabi raw ni Pygmalion sa kaniyang sarili na hindi siya interesado sa mga babae.

Dahil isang manlililok si Pygmalion mula sa Cypriot, siya ay gumawa ng lilok ng isang babae mula sa Ivory. Ang hindi kapani-paniwala, nawalan ng interes si Pygmalion sa mga tunay na babae, bagkus ay nahulog ang kaniyang loob sa kaniyang ginawang lilok na ubod raw ng ganda. Humiling pa siya kay Aphrodite na bigyan siya ng isang tunay na babae na katulad ng kaniyang nalilok.