Katanungan
ano ang panghalip panaklaw?
Sagot
Ang panghalip panaklaw ay pampalit sa mga pangalan na hindi tiyak ang bilang. Ginagamit ito pag hindi naibigay ang tiyak na bilang o kung sino man ang paksa sa isang pangungusap o sanaysay.
Ito ang mga sumusunod na iilang halimbawa ng panghalip panaklaw: sinuman, kaninuman, saanman, at alinman. Ang sinuman ay ginagamit kung hindi tukoy ang tao na may ginawang pagkilos. – “sinuman ang gumawa nito, ay pagpapalain ng Diyos”.
Ang kaninuman, ay kung hindi tukoy kung sino ang nagmamay-ari ng isang bagay – “kung kaninuman ito, nandito lang nakalagay sa gilid.”
Ang saanman, ay kung hindi tukoy ang lugar – “sasamahan kita kahit saanman.”, at ang alinman naman ay, kung hindi tukoy ang mangyayari – “kung alinman ang mas nakabubuti sayo, ayun ang sundin mo.”