Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ipinatupad ang price freeze?

Katanungan Sagot

6

Katanungan

ano ang pangunahing dahilan kung bakit ipinatupad ang price freeze?

Sagot verified answer sagot

Ang pangunahing dahilan kung bakit ipinatupad ang price freeze ay upang ang mabilis na pagtaas ng presyo ng iba’t ibang bilihin ay maiwasan.

Ang price freeze ay isang kautusan na ipinatutupad sa bansa matapos ang pananalasa ng isang kalamidad. Kadalasan, ito ay ginagawa sa mga pook o lugar na idineklara sa ilalim ng State of Calamity sa ilalim ng Batas Republika blg. 10121 na pinirmahan o pinagtibay ng dating pangulong Gloria Arroyo.

Ang price freeze ay ginagawa hindi upang pahirapan ang mga negosyante kundi upang pangalagaan ang kapakanan ng mga tao na kumakaharap sa isang matinding pagsubok dulot ng pagtama ng kalamidad.