Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?

Katanungan

ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?

Sagot verified answer sagot

Ang pangunahing gamit ng kilos-loob ay tumutulong sa pagbuo ng pasya o paggawa ng isang tao ng isang bagay o gawain na naaayon sa kanyang kaisipan o kamalayan.

Ang kilos-loob ay pumapatungkol sa kamalayan ng isang tao para makabuo ng isang esensiya o buod patungkol sa mga bagay-bagay na kapaki-pakinabang sa pagbibigay-kahulugan ng ating isipan na maunawaan ang isang sitwasyon.

Sa karagdagan, ito ay ang kalayaan ng isang indibidwal na pumili o magpasya ng hindi nagpapaapekto sa iba o sa kapwa.

Ilan sa mga tiyak na halimbawa nito ay ang pagpili kung anong kurso ang nais kuhanin, pagpili ng kasuotan o damit na bibilhin, pagpili ng disenyo ng isang bahay, at pagpili sa mga bagay na naiss pagtuunan ng pansin.