Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan sa Polynesia?

Katanungan

ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan sa polynesia?

Sagot verified answer sagot

Ang pangunahin nilang kabuhayan ay ang pagsasaka at pangingisda at ang kanilang pangunahing mga ani ay taro, yam, ube, breadfruit, niyog, saging, at tubo.

Habang sa kanilang pangingisda naman ay nakukuha nila ay mga octopus, hipon, at tuna. Malaking tulong sa kanila ang pagsasaka at pangingisda dahil dito sila kumukuha ng kanilang pang kain araw araw upang mabuhay, minsan din ay ginagamit nila ito sa pangangalakal sa ibang bayan upang makipagpalitan ng mga produkto.

Ang pagsasaka at pangingisda ay naging pundasyon ng mga tao upang mabuhay at hanggang sa kasalukuyan ay mahalaga ito dahil ito ang bumubuhay sa mga bansa.