Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?

Katanungan Sagot

11

Katanungan

ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?

Sagot verified answer sagot

Ang pangunahing prinsipyo ng katarungan ay manindigan at ipaglaban ang panig ng tama. Ang hustisya o katarungan ay binigyang kahulugan bilang kawastuhan, katumpakan, at ang pagkakaroon ng mga pagkakapantay-pantay sa lipunan ayon sa mga batas na umiiral.

Ang katarungan ay madalas marinig o magamit sa usapin ng isang kaso o sa hukuman aspagkat ito ay madalas bigyang anyo sa pagitan ng paglutas ng isang pangyayaring naganap ukol sa pagtapak o pagwasak sa karapatan ng isang indibidwal.

Ang representasyon ng katarungan ay makikitang may takip ang mga mata sapagkat ayon sa mga eksperto, ang batas ay hindi nararapat na tumitingin sa antas o katayuan ng bawat indibidwal.