Katanungan
ano ang pangunahing sanhi ng suliranin sa solid waste?
Sagot
Ang pangunahing sanhi ay pagkakaroon ng kakulangan sa pangangasiwa sa mga batas at kung paano ito palalakarin nang maayos.
Kahit mayroong kaliwa’t kanang polisiya ay nandiyan pa rin dapat ang pamumuno at pag implementa nang maayos upang sumunod talaga ang mga tao.
Halimbawa na lamang noong hindi naipapatupad ng maayos ng isang lider mula sa isang barangay ang solid waste management, baliwala rin ito dahil hindi naman nasusunod nang maayos.
Mahalaga na striktong maimplementa ang mga ito dahil kailangan din mapangalagaan ang ating kapaligiran.
Kung hindi naayos ang ating kapaligiran, tiyak ito ay lalong dudumi at hindi na tayo makakakuha ng likas na yaman.