Ano ang pangunahing tungkulin ng konsensya?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

Ano ang pangunahing tungkulin ng konsensya?

Sagot verified answer sagot

Ano ang pangunahing tungkulin ng konsensyaAng pangunahing tungkulin ng konsensya ay ang bigyan ang sarili ng panahong timbangin ang ginagawa at maiwasan ang pagpili sa mga masasamang gawi o desisyon.

Ang konsensiya rin ang nagsasabi sa atin o nagpapaalala sa isang tao sa kaniyang intrapersonal na pakikipag-usap kung ang gagawin bang kilos o pasya ay masama ang kalalabasan o makabubuti, hindi lamang para sa sarili kung hindi pati na rin sa iba.

Kung ang tao ay paiiralin lagi ang mga desisyon batay sa kaniyang konsensiya, siya ay magkakaroon ng kapayapaan sa loob dahil ang mga ginagawa niyang desisyon ay nakabubuti para sa lahat. Napipigilan din kasi ng konsensiya ang sarili na gumawa ng mali.