Ano ang paniniwala ng mga pilipino sa mga pagdurusang natatanggap sa lupa?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang paniniwala ng mga pilipino sa mga pagdurusang natatanggap sa lupa? Ipaliwanag

Sagot verified answer sagot

Ang Pilipinas ay kilala bilang isang bansang Kristiyano. At ang paniniwala sa relihiyong ito ay nagdudulot din ng ilang natatanging paniniwala kabilang na ang mga pagdurusang natatanggap ng mga mortal habang nasa lupa pa.

Para sa mga Pilipino, ang mga paghihirap na nararansan ay kabilang lamang sa mga pagsubok na ibinibigay ng Diyos upang mas maging matatag ang isang tao. Sabi nga nila, wala namang ibibigay sa iyo ang Diyos na hindi mo kaya.

Kadalasan ay hindi ito nakikita bilang isang uri ng kaparusahan bagkus ay isang instrumento upang patatagin lalo ang kanilang mga sarili at patuloy na maniwala sa Maykapal.