Ano ang paniniwala ng mga tao sa alamat ng malapad na bato?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang paniniwala ng mga tao sa alamat ng malapad na bato?

Sagot verified answer sagot

Sa isang kabanata ng El Filibusterismo, napag-usapan ng mga nasa ibabaw ng kubyerta ang ilang mga alamat na kilala at naitatago sa kani-kanilang bayan.

Nakita nila sa Bapor ang isang lugar na tinatawag nilang Malapad na Bato at napag-usapan ang alamat nito.

Ayon sa Kapitan, ang Malapad na Bato raw ang isang isla na pinangingilagan ng mga tao dahil isa raw itong himpilan o tirahan ng mga espiritu.

Dahil takot silang magambala ng mga ito, hindi nila pinupuntahan ang nasabing lugar. Ngunit nawala ang takot ng mga mamamayan sa mga espiritu nang sakupin ito ng mga tulisang pirata.