Ano ang payak na pangungusap?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang payak na pangungusap?

Sagot verified answer sagot

Maituturing na payak ang isang pangungusap kung ito ay nagbibigay o nagsasaad ng iisa at buong diwa. Ito dapat ay naglalaman ng simuno o paksa ng pangungusap at ng panaguri. Maaaring maging dalawa ang simuno o panaguri, na tinatawag na tambalang simuno o tambalang panaguri.

Isang halimbawa ng payak na pangungusap ay “Si Anna ay kumakain”. Ang paksa sa pangungusap na ito ay si Anna at kumakain naman ang panaguri.

Isa pang halimbawa ay “Sina Christine at Mae ay nag-lalaro”. Sa payak na pangungusap na ito ay may tambalang simuno: Si Christine at si Mae. Ang panaguri naman ay naglalaro.