Ano ang pinagbabatayan sa batas ng Roma?

Katanungan

ano ang pinagbabatayan sa batas ng roma?

Sagot verified answer sagot

Kung ano ang pinakamakatarungan ay siyang pinagbabatayan ng batas sa Roma, lalo na noong sinaunang sibilisasyong Romano.

Ang pinakamakatarungan ay hango sa salitang katarungan. Ang ibig sabihin nito ay hustisya na nakakamit ayon sa wastong katuwiran.

Naniniwala ang sinaunang Roma na ang lahat ng bagay na ginagawa sa mundong ibabaw ay may kaakibat na responsibilidad.

Ang sinumang lalabag sa mga responsibilidad, tungkulin, at alituntunin na ito ay haharap sa kanyang pagkakamali at mapaparusahan.

Hindi basta-basta bibigyan ng parusa ang isang tao. Ito ay dapat na karapat-dapat at naaayon sa bigat ng kanyang pagkakamali. Hindi maaaring umabuso at mang-abuso ang batas.