Ano ang pinagkaiba ng intensibo at ekstensibong pagbasa?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

Ano ang pinagkaiba ng intensibo at ekstensibong pagbasa?

Sagot verified answer sagot

Maging sa pagbabasa ay may dalawang uri tayong pinag-aaralan. Ito ay ang intensibong pagbabasa at extensibong pagbabasa.

Sa intensibong pagbabasa, may malawakang at malalimang pagsusuri na ginagawa ang isang mambabasa. Sinusuri ng isang tao ang istruktura, porma, at estilo ng pagsusulat o paghahayag ng may akda.

Maingat rin niyang iniintindi ang nais iparating ng manunulat. Sa kabilang banda naman, ang extensibong pagbabasa ay tumutukoy sa mabilisang pagsusuri ng isang mambabasa sa isang akda o lathalain.

Pangunaning layunin lamang ng mambabasa na makuha ang mensahe o nais iparating nang hindi sinusuri kung paano isinulat o inihayag ng may akda ang kanyang lathalain.