Katanungan
ano ang pinagkaiba ng ng at nang?
Sagot
Ang pinagkaiba ng ng at nang ay ang wastong paggamit ng mga ito kung saan ang ng ay ginagamit kung ang kasunod na salita ay nabibilang sa mga pamilang na pang-uri, ginagamit sa mga pangngalan,
ginagamit upang magpakita ng pagmamay-ari, ginagamit kung ang salitang sinusundan ay isang pang-uri, at ginagamit bilang isang pananda sa pandiwang gumaganap sa loob ng isang pangungusap.
Samantala, ang nang naman ay ginagamit bilang pang-gitna sa inuulit na pandiwa, ginagamit bilang pamalit sa “na at na,” “na at ng,” at “na at ang,” at ginagamit ito upang magsaad o magpakita ng kilos ng galaw o dahilan.