Ano ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas?

Katanungan

ano ang pinakamahabang ilog sa pilipinas?

Sagot verified answer sagot

Ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas ay ang Cagayan River o Rio Grande de Cagayan.

Ang Cagayan River ay ang itinuturing na pinakamahaba at pinakamalaking ilog na matatagpuan sa bansang Pilipinas alinsunod sa dami ng tubig nito.

Ito ay may tinatayang haba na umaabot sa 505 kilometro at palanggana para sa paagusan na may sukat na 27, 753 kwadradong kilometro.

Ang ilog ay matatagpuan sa Cagayan Valley na nasa hilagang-silangang bahagi ng Isla ng Luzon na tumatawid naman sa mga probinsiya ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcya, at Quirino.

Ang kabundukan ng Caraballo na makikita sa Gitnang LLuzon ang sinasabing pinagmumulan ng tubig na umaagos rito.