Ano ang pinakamahalagang ambag ng mga turo ni Confucius sa sinaunang pamayanan ng Tsino?

Katanungan

ano ang pinakamahalagang ambag ng mga turo ni confucius sa sinaunang pamayanan ng tsino?

Sagot verified answer sagot

Ang pinakamahalagang ambag ng mga turo ni Confucius sa sinaunang pamayanan ng tsino ay nilinang nito ang sistemang pampulitika at panlipunan ng sinaunang Tsino na naaayon sa espiritwal at diplomatikong kasanayan.

Si Confucius ay isang guro, politico, at pilosopong Tsino. Ang kanyang mga aral ay nag-iwan ng mahalagang ambag sa larangan ng edukasyon, moral na pamantayan, panlipunan, at paraan ng pangunguna o pamumuno sa pamahalaan.

Alinsunod sa kanyang mga aral, ang pamilya at ninuno ay nagbibigay ng malalim na halaga sa kanyang isipan dahil ang mga ito ang nagsisilbing pundasyon upang mapabuti ang istruktura ng pamahalaan.

Ang kanyang mga aral ay higit na naging popular sa mga dinastiyang Han, Song, at Tang.