Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibidwal?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibidwal?

Sagot verified answer sagot

Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibidwalAng pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibidwal ay ang kaniyang taglay na kahusayan sa pamumuno.

Kung ang isang tao ay magiging lider, kinakailangang may angking husay siya sa paghawak ng kaniyang mga tao, sa paglikha at pagbuo ng mga alituntunin, regulasyon, at mga batas na makapagbibigay ng katiwasayan sa kaniyang mga nasasakupan, at pagpapatupad ng mga utos na makapgbibigay ng kaayusan at magandang pamumuhay sa kapuwa.

Ang isang mabuting pinuno ay hindi makasarili bagkus iniisip ang kapakanan ng iba bago ang sarili. Ang pagiging pinuno ay dapat mayroong katangian at kagustuhang mapabuti ang marami kaysa sa kapakanan ng iilan lamang.