Ano ang pinakamahalagang misyon ng pamilya?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang pinakamahalagang misyon ng pamilya?

Sagot verified answer sagot

Ano ang pinakamahalagang misyon ng pamilyaAng pinakamahalagang misyon ng pamilya ay ang hubugin ang kanilang bawat miyembro at pakitaan ito ng pagkalinga at pagmamahal.

Sinasabing ang pamilya ang pundasyon ng lipunan dahil dito nagsisimula ang lahat. Sa pamilya unang natututuhan ng isang tao ang disiplina at mabuting asal.

Ang mga magulang ang nagbibigay sa mga anak nila ng mga pangaral upang maging mabuting bahagi ng lipunan.

Sa pamilya rin unang natatagpuan ng isang mamamayan ang pagmamahal at pagkalinga na kailangan upang mabuhay nang maayos at matiwasay ang isang indibidwal.

Kung maipakikita sa loob ng tahanan ang mga disiplinang kailangan ay siguradong makakamit din ng lipunan ang inaasam na kaunlaran at kapayapaan.