Ano ang pinakamahalagang nagawa ng kongreso ng Malolos?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang pinakamahalagang nagawa ng kongreso ng malolos?

Sagot verified answer sagot

Ang pinakamahalagang nagawa ay pagpapatibay sa kalayaan ng Pilipinas kaya naman binuo nito ang Konstitusyong Malolos noon.

Ang konstitusyon ay ang nagsilbing salamin na mayroong kalayaan ang Pilipinas, hindi sakop at kontrolado ng ibang banyaga, at kayang pamunuan ang sariling paa.

Ang pagkakaroon ng konstitusyon ay isang manipestasyon na may soberanya ang bansa at hindi pwedeng panghimasukan ng kahit anong pandayuhang bansa.

Dagdag pa rito, mahalaga ito dahil ito ang pinakamataas na batas sa bansa at ito ang pundasyon ng mga naging konstitusyon din patungo sa kasalukuyang panahon. Kahit sino man ang umupong pangulo o parte ng gobyerno ay hindi sila pwedeng lumabag dito.