Katanungan
ano ang pinakamahalagang naidulot ng pakikipagkalakalan sa kabihasnang greek?
Sagot
Gaya ng ibang mga kabihasnang nauna at mga kabihasnang kasabay ng kabihasnang Griyego, lumahok rin sila sa pakikipagkalakalan.
Kalakalan ang tawag sa pagpapalitan ng mga produkto (at maging serbisyo) mula sa isang lugar patungo sa isa pang lugar.
Isa sa mga naging mahalagang epekto ng pakikipagkalakalan ng kabihasnang Griyego ay natutunan ng mga Griyego ang iba’t-ibang mga teknik at ideya mula sa ibang sibilisasyon.
Nagamit nila ang kanilang mga napag-aralan upang palakasin at patatagin ang kanilang kabihasnan.
Dahil rin sa kanilang pag-aaral sa iba’t-ibang mga teknik sa kalakalan, lumakas ang impluwensya ng kabihasnang Griyego sa merkado. Dito na nagtuloy-tuloy ang kanilang tagumpay.