Ano ang pinakamalaking suliranin ang dinanas ng mga Pilipino noong panahon ng mga Hapones?

Katanungan

ano ang pinakamalaking suliranin ang dinanas ng mga pilipino noong panahon ng mga hapones?

Sagot verified answer sagot

Bagamat noong panahon ng pananakop ng mga Hapones sa ating bansa ay may mga natutunan at naging magandang resulta, hindi pa rin natin maipagkakaila na maraming suliranin ang dinanas ng ating mga ninuno noon.

Bukod sa pang-aabuso ng mga sundalong Hapones sa mga mamamayang Pilipino, ang naging pinakamalaking suliranin noong kolonisasyon ng mga Hapones ay ang kakulangan sa pagkain.

Nakaramdam ng matinding gutom ang mga mamamayang Pilipino. Ang mga suplay ng pagkain tulad ng bigas, mais, atbp. ay hindi ipinapamahagi ng mga Hapones.

Halos kunin na nila lahat ang mga agrikulturang produkto na mayroon ang Pilipinas. Walang natitira para sa mga Pilipino.