Ano ang pinakamatimbang na salik sa pagkonsumo?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang pinakamatimbang na salik sa pagkonsumo?

Sagot verified answer sagot

Batay sa aking pananaw, ang KITA ay ang pinakamatimbang na salik ng pagkonsumo. Ito ay dahil kita ang batayan ng lahat.

Sa kita malalaman ng isang konsyumer kung may sapat siyang pera na nakalaan para sa kanyang pagkonsumo, partikular na sa kanyang pangangailangan.

Ating mapapansin na ang mga taong may mas malaking kita ay mas maraming napamimili o di kaya naman ay may mas kakayahan ng bumili ng mas mahal na mga produkto.

Kapag lumalaki ang kita ay lumalaki rin ang konsumo. Gayun din naman na kung limit ang kita ay nagtitipid sa pagkonsumo. Ang kita at pagkonsumo ay direktong naaapektuhan ang isa’t-isa.