Ano ang pitch name sa musika?

Katanungan

ano ang pitch name sa musika?

Sagot verified answer sagot

Ang pagbaba o pagtaas ng isang tunog ay tinatawag na pitch. Ginagamit ang mga letrang A, B, C, D, E, F, at G sa alpabeto upang magkaroon ng ngalan ang mga pitch, na tinaguriang pitch names.

Kadalasang may ledger lines na makikita sa mga musical sheets. Ang letrang C ang makikita sa ibabang ledger line habang letrang A naman ang nasa itaas na ledger line.

Mula sa pinakaibabang ledger line, ang magiging pagkakasunod-sunod ng pitch names ay C, D, E, F, G, at babalik sa A, B, C, D, E, F, G, hanggang sa A ang dulo. Inuulit lamang ang pitong letrang nabanggit sa itaas.