Ano ang pokus ng renaissance?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

ano ang pokus ng renaissance?

Sagot verified answer sagot

Renaissance ang tawag sa isa sa mga panahon na sumibol sa Italya at lumaganap sa kabuuang kontinente ng Europa. Ang salitang Renaissance ay nagmula sa wikang Pranses at nangangahulugan itong “muling pagkasilang”.

Ang panahon ng Renaissance ang nagsimula sa pagbangon buong kontinenteng Europa mula sa Gitnang Panahon. Kaya naman ang naging pokus sa panahon ng Renaissance ay ang multing pagpapatibay sa mga klasikal na akda at mga ideya.

Nagbigay importansya muli sa likhang sining at sa klasikong panitikan ang mga tao noong kapanahunan ng Renaissance. Umusbong ang makabagong mga ideya patungkol sa agham, panitikan, arkitektura, literatura, at marami pang iba.