Ano ang polo y servicio?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang polo y servicio?

Sagot verified answer sagot

ang polo y servicio ang isang uri ng patakaran na nagmula sa mga Espanyol na kung saan ang mga Pilipino ay sapilitang pinagtatrabaho sa pamahalaan.

Ang mga lalaki sa lipunan sa nagdaang panahon na ang edad ay nasa 16 hanggang 60 ay sapilitang pinagagawa ng mga namumunong Espanyol sa pamahalaan.

Sila ay pinagagawa ng mga simbahan, tulay, gayundin ang pagsasaayos ng galyon na barko sa loob ng 40 araw. Kung ang isang tao ay kayang magbayad ng tinatawag na falla o sa tagalog ay multa, siya ay maaaring hindi maglingkod sa gobyerno.

Subalit dahil na rin sa hirap ng buhay, marami ang walang kakayahan kung kaya sapilitang nagtatrabaho para sa pamahalaan.