Ano ang ponolohiya?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang ponolohiya?

Sagot verified answer sagot

Ang ponolohiya o palatunugan na sa wikang ingles ay phonology ay isang balangkas ng lingguwistika na tumutukoy sa pag-aaral ng mga ponema o tunog ng wika, ang pagkakaiba nito sa iba pang uri ng wika maging ang mabalangaks na paggamit nito o ang mga pinagsama-samang kombinasyon upang makabuo ng isang salita.

Ang ponolohiya ay binubuo ng dalawang uri. Ito ay ang ponemang segmental o ponemang kinabibilangan ng mga katinig at patinig.

Samantala ang ponemang suprasegmental naman ay ponemang mayroong taglay na prosodic na katangian kung saan ito ay mayroong katangiang likas. Kabilang sa mga katangian nito ang intonasyon o tono, haba, maging ang antala o paghinto.