Katanungan
Ano ang Prinsa (KAHULUGAN)?
Sagot
Ang prinsa ay isang uri ng istruktura na naglalayon na maharangan ang agos ng tubig at iniipon sa lugar kung saan maaari itong gamitin sa iba’t ibang pamamaraan.
Ito ay mas kilala sa katawagan na dam na mayroong laking pambihira dahil sa dami ng tubig na iniipon nito.
Ayon sa mga tala ng kasaysayan, ang dam ay unang naitayo noong 2900 B.C. kung saan inilagak ito sa ilog na tinatawag na Nile na ginamit upang magsilbing proteksyon sa mga siyudad ng Memphis para sa kalamidad gaya ng baha. Sa ibang kaparaanan, ang dam ang nagsisilbing tubig-imbakan ng mga mamamayan o tao.