Ano ang problema ng kanilang tribo?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang problema ng kanilang tribo?

Sagot verified answer sagot

Nagkaroon ng problema ang Tribong Ibalon noong sila ay pinarusahan ng Diyos sa pamamagitan ng isang napakalaking baha.

Ayon sa kwento, nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay ni Bantong kay Rabut. Kanya itong pinatay habang ito ay natutulog nang mahimbing.

Si Rabut ay isang halimaw na bigla na lamang sumulpot at nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop na kanyang maengkanto.

Diumano, masama man si Rabut ay dapat lamang na binigyan siya ng pagkakataong ipagtanggol ang kanyang sarili.

Nang dahil sa napakalaking baha ay nasira ang mga bahay at pananim, at naging dahilan ng pagkalunod ng maraming tao.

Ang ilang Ibalon ay nakaligtas lamang nang sila ay makaakyat sa taluktok ng matataas na bundok. Ibalon ang matandang pangalan ng Bikol at ang Ibalon ay Epikong mula ng Bikol.