Ano ang product market (kahulugan tagalog)?

Katanungan

ano ang product market (kahulugan tagalog)?

Sagot verified answer sagot

Ang product market o sa tagalog ay merkado ng produkto ay isang lugar na kung saan ang supply at demand na mula sa bahay kalakal ay dito idinadala upang maipagbili sa mga konsyumer o mamimili.

Sa aspetong ito, ang iba’t ibang mga kumpanya o prodyuser ay nakikipag-ugnayan sa kanilang mga kani-kanyang mga potensyal na konsyumer upang ang mga produktong ipinaglalako ay maipamili ng naaayon sa itinakdang presyo ng mga ito.

Ang bawat gawain sa market place ay maingat na sinusubaybayan ng ating pamahalaan upang matiyak o masiguro ang pantay na pagganap ng bawat kasapi nito.

Ang isang merkado o market place ay nahahati sa dalawa ang malaya at limitado. Sa malayang merkado, ang mga produkto ay malayang naipagbibili ng tingian samantalang sa limitado, ang pamahalaan ang siyang kumukontrol upang tiyakin ang kaligtasan ng bawat tao.