Ano ang ranggo ng pilipinas sa ibat ibang tungkulin ng isang mamamayan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang ranggo ng pilipinas sa ibat ibang tungkulin ng isang mamamayan?

Sagot verified answer sagot

Bawat mamamayan ay mayroong tungkulin. At nakabantay ang iba’t ibang institusyon sa buong mundo sa pagiging produktibo ng isang bansa at kung gaano ginagampanan ng mga mamamayan ang kanilang tungkulin.

Sa isang ginawang sarbey na pinamagatang “Survey on Citizenship of the International Social Survey Program” noong 2004, ang Pilipinas ay mayroong ranggo o average na 5.3 pagdating sa pagiging produktibo at responsable.

Nailabas din ang resulta ng naturang sarbey nang minsan itong mapasama sa artikulong isinulat ni Mahar Mangahas na mayroong pamagat na “Filipino Ideals of a Good Citizen.”

Sa kasalukuyan ay maaari na raw bumaba ang ranggo ng Pilipinas dahil tila lumalaganap na ang katamaran sa bansa, lalo na sa larangan ng edukasyon, ayon naman sa ilang pag-aaral.