Ano ang Real Compania de Filipinas?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

Ano ang real compania de filipinas?

Sagot verified answer sagot

Ang Real Compania de Filipinas, o sa wikang Ingles ay Royal Company of the Philippines, ay isang grupo na itinatag kasunod ng isang royal decree.

Ito ay pinirmahan ni Haring Charles III noong Marso taong 1785. Itinatag ito noong kasagsagan ng pananakop ng Espanya sa ating bansa.

Layunin ng Real Compania de Filipinas na paigtingin at palakasin ang pagkakaibigan at pag-uugnayan ng Espanya at Pilipinas, lalong-lalo na sa larangan ng kalakalan.

Ang Real Compania de Filipinas ang nagpasimula ng monopolyo sa pamilihan ng ating bansa, lalo na ang produktong tabako kung saan kilala ang Pilipinas. Taong 1834 nang mabuwag ang organisasyon.