Ano ang reales (kahulugan)?

Katanungan

ano ang reales (kahulugan)?

Sagot verified answer sagot

Noong sinakop ng mga Espanyol ang ating bansang Pilipinas, hindi lamang sila nagpatupad ng iba’t-ibang sistema kung hindi ay nagkaroon rin ng sariling pananalapi.

Reales ang tawag sa pera na ginamit ng mga Espanyol noon, hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging na rin sa iba pang bansa na nakolonya nila.

Ito ay nagsimula noong ika-14 na siglo hanggang sa tuluyang nawala at napalitan noong patapos na ang ika-18 na siglo.

Sinasabing ang hari ng Espanya noon na si Haring Pedro I ng Castile ang nagpasimula ng reales bilang uri ng pera. Kaya naman makikitaan ang mga reales noon na may marka na tinatawag na Castillan mark.