Katanungan
ano ang reproductive health bill?
Sagot
Ang Reproductive Health Bill, na ngayon ay naipasa na bilang isang batas sa ating bansang Pilipinas, ay isang batas na nagbibigay ng daan para sa milyon-milyong mga Pilipino na magkaroon ng isang malaya at impormatibong edukasyon ukol sa kasarian at sex at iba pang pangkalusugan.
Layunin ng batas na ito na magbigay ng karapatan sa isang mamamayan na mamili sa kanyang magiging pampamilyang desisyon.
Kabilang sa ilalim ng batas na ito ang mga usapin tungkol sa contraceptive o birth control pills, aborsyon, at pagpa-plano sa pamilya. Nais ng pamahalaan na maging responsable ang lahat ng mamamayan lalo na pagdating sa seksuwal na mga usapin.