Katanungan
ano ang resulta ng wastong paggamit ng tao sa mga kapaligirang likas?
Sagot
Ang resulta ng wastong paggamit ng tao sa mga kapaligirang likas ay maisalba sa pagkasira. Ang mga kapaligirang likas ang siyang nagbibigay sa mga indibdiwal ng mga pangangailangan upang mapagtagumpayan ang pang-araw-araw na buhay.
Subalit, dahil sa pagmamalabis at kawalan ng disiplina ng mga ito sa paggamit ay unti-unting nasisira at nauubos ang mga kapaligirang likas na siyang nakadaragdag sa mga suliraning kinahaharap ng bansa sa kasalukuyan.
Kung kaya naman, kung ang mga tao ay magiging responsible at disiplinado sa paggamit o pagkonsumo nito ay maaaring mailigtas ang mga kapaligirang likas mula sa malaking pinsala at patuloy na pagkasira. Kung magkagayon, muling mabubuhay ang sigla ng kapaligiran.