Ano ang rhythmic pattern sa musika?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang rhythmic pattern sa musika?

Sagot verified answer sagot

Ano ang rhythmic pattern sa musika?Ang rhythmic pattern ay isang mahalagang bahagi ng musika. Dito makikita ang pinagsama-samang nota (Note) at rest (pahinga) na nakaayon sa isang itinakda o ginawang time signature.

Kombinasyon o pagsasam-sama rin ito ng mga tunog na naririnig o inaawit na mayroong pagkakaiba at pagkakapareho.

Sa isang bar line o music line, dito pinagsasama-sama ang mga rest/ pahinga o notes/ nota na ginagamit sa mga awitin upang makabuo ng tunog.

Ang mga nota at pahinga rin na makikita sa bar line ay katumbas na bilang ng kumpas sa nakasaad na meter at time signature. Sa madaling sabi, ito ang sinusundan ng mga mang-aawit at tumutugtog ng instrumento upang malaman ang tono at tunog ng musikang ginagawa nila.