Katanungan
ano ang salitang latin ng dignidad?
Sagot
Ang salitang dignidad sa wikang Tagalog ay nagmula sa isang salitang nasa wikang Latin. Ito ay ang dignitas.
Isang konseptong Romano ang dignitas kung saan ang mga kalalakihan noon ay nagpapakita ng kanilang impluwensiya pagdating sa kanilang sarili, sa kanilang pamilya, at sa lipunang kanilang ginagalawan.
Hanggang sa ang salitang dignitas ay ginamit na nang iba’t-ibang mga bansa. Nabuo ang salitang dignidad, o dignity sa wikang Ingles.
Ang dignidad ay ang pagiging karapat-dapat ng isang tao at ang kanyang pagpapahalaga at pagbibigay respeto sa kanyang kapwa. Sakop ng dignidad ang mga katangian tulad ng pagiging tapat sa kapwa, marespeto, at responsable.