Ano ang sangguniang panlalawigan sino-sino ang bumubuo rito?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang sangguniang panlalawigan sino-sino ang bumubuo rito?

Sagot verified answer sagot

Ang Sangguniang Panlalawigan o sa ingles ay kilala sa tawag na provincial Board ay lehislatura ng mga lalawigan sa bansa.

Ang mga ito ay Pambatasang sangay ng lalawigan na kung saan ang kapangyarihan ay itinatakda ng Local government Code of 1991.

Ang sangguniang panlalawigan ay binubuo ng Bise-gobernador, pangulo ng Liga ng mga Barangay, pangulo ng Sangguniang Kabataan, pangulo ng Sannguniang Panlungsod gayundin ng Sangguniang Bayan.

Ito rin ay may nakatakdang pwesto para sa Indigeneous People alinsunod sa Republic Act 8371 o mas kilala sa Indigeneous Peoples Right Act of 1997.

Ang Sangguniang Panlalawigan din ay nagtatakda ng tatlong kinatawan ng sectoral na mula sa sektor ng kababaihan, agrikultura, at iba pang sektor.