Katanungan
ano ang sangkap ng mabisang dula?
Sagot 
Ang dula ay ang panggagayang pampanitikan sa buhay na ipinamamalas sa tanghalan. Ayon kay Rubel, ang dula ay isang uri o paraan ng paglalahad ng isang kuwento.
Upang maging mabisa ang dula, ito ay kinapapalooban ng iba’t ibang sangkap. Kabilang sa mga sangkap na ito ang: tauhan o ang nagbibigay ng buhay sa mga karakter; tagpuan o ang pook at panahon na pinangyarihan; sulyap sa suliranin o ang pagpapakilala ng suliraning kahaharapin; saglit na kasiglaan o ang pagtakas o paglayo ng mga tauhan sa masalimoot na nararanasan; tunggalian o ang kumpetisyon na maaaring maganap sa sarili, paligid, o kapwa; kasukdulan o ang pagsubok sa katatagan ng mga karakter; kakalasan o ang paunti-unting paglutas ng problema; at kalutasan na naglalaman ng pagwawaksi sa problema at pagtatapo ng tunggalian.