Ano ang sarbey?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

ano ang sarbey?

Sagot verified answer sagot

Ang sarbey o survey sa ingles ay isang klase ng talatanungan na binubuo ng iba’t ibang mga tanong na hango sa isang paksang nais bigyang kasagutan.

Karaniwang nais bigyang pansin nito ay ang opinyon o saloobin ng mga tao hinggil sa paksang pinag-uusapan.

Respondante ang tawag sa mga taong sumasagot ng isang sarbey na maaaring magbigay o hindi magbigay ng mga personal na impormasyon.

Kadalasan, ang satbey ay ginagamit ng mga mananaliksik upang makalipon ng mga kaukulang impormasyon at matugunan ang isang ideyang nais bigyang linaw.

Ang pagsasagawa ng isang sarbey ay hindi nangangailangan ng personal na pagtatanong sapagkat ang talatanungan ay karaniwang nakaimprenta sa papel na siyang ipamamagahagi sa mga respondante.