Katanungan
ano ang semantika?
Sagot
Semantika ang tawag sa parte ng linggwistiko kung saan pinag-aaralan ang pagkakaroon ng depenisyon at ekspresyon ng mga salita.
Sa wikang Ingles, ito ay tinaguriang “semantics,” isang terminong ibinigay ni Michel Breal.
Layunin ng semantika na himay-himayin ang mga salita at malaman ang tunay na kahulugan sa likod ng mga ito. Gaya nga ng itinuturo sa atin ay ang wika ay arbitraryo.
Ito ay nagbabago. Kaya naman ang mga depenisyon ng mga salita ay maaaring magbago rin. Sa tulong ng semantika ay napag-aaralan kung ano nagiging bagong kahulugan o kung angkop pa rin ba ang kahulugan nito. Kasama rin sa pinag-aaralan ay ang tono ng pananalita.