Ano ang senakulo (kahulugan Tagalog)?

Katanungan

ano ang senakulo (kahulugan Tagalog)?

Sagot verified answer sagot

Ang senakulo ay nangangahulugang pook para sa hapunan o kaya ito rin ang pagsasadula ng kwento ng buhay, kahirapan, at pagkabuhay muli ni Hesukristo.

Ito ay itinatanghal tuwing Mahal na Araw upang maipakita ang mga pinagdaanan ni Hesus noong siya pa ay nabubuhay.

Ito rin ay tinatawag na pasyon ng tanghalan. Nagsisimula ito sa Lunes Santo at nagtatapos sa Biyernes Santo. Minsan naman ay umaabot din ito ng Linggo ng Pagkabuhay.

Ito ay tradisyon na ng mga katoliko sa Pilipinas upang mapaalala ang mga pinagdaanan ni Hesus para sa mga tao at kung ano pa ang iba niyang sinakripisyo para lamang maligtas ang mundo.