Ano ang shortage?

Katanungan

ano ang shortage?

Sagot verified answer sagot

Ang shortage nay pumapatungkol sa isang sitwasyon na kung saan hindi sapat ang supply upang matugunan ang demand.

Sa madaling sabi ang shortage ay nagtataglay ng mataas na bilang ng demand at mas maliit na bilang ng supply. Ito ay kadalasang nagaganap o nararanasan kung ang pagkukulang sa mga kaukulang pinagkukunan ng supply ay nararanasan.

Isa sa halimbawa nito ang kakulangan sa bigas na ipinagbibili sa mga pamilihan dahil sa epekto ng matinding tagtuyot.

Nagtataglay ng pansamantalang kakapusan ang suliraning ito sapagkat maaari pa itong magawan o mabigyan ng solusyon ng mga tao sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang pamamaraan sa pagsasaka.