Ano ang simbang gabi?

Katanungan

ano ang simbang gabi?

Sagot verified answer sagot

Ang Simbang Gabi ay ang tradisyon ng mga Pilipinong deboto na magsisimba ng siyam na araw para paghandaan ang kapanganakan ni Hesukristo.

Ang iba pang tawag sa Simbang Gabi ay Misa De Gallo. Isinasagawa ito ng mga Pilipinong Katoliko at mga Aglipayans.

Mahalaga sa mga deboto itong simbang gabi upang magbigay pugay at magsagawa ng selebrasyon para sa kapanganakan ng kanilang tagapagligtas na si Hesukristo.

Bukod pa rito, ang simbang gabi ay taon taon ginagawa at maraming pumupunta rito upang ipakita rin ang pananampalataya sa kanilang Diyos. Ang pagsisimba ay mahalagang tungkulin ng bawat isang indibidwal kung sila ay may relihiyon.