Ano ang sistemang caste?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang sistemang caste?

Sagot verified answer sagot

Ang sistemang caste ay ipinatupad noon ng mga Hindu upang magkaroon ng kaayusan sa kanilang lipunan. Ito ay ang herarkiya ng kanilang lipunan na kung saan may may pangalan ang bawat lebel ng kanilang estado sa buhay.

Mayroong tinatawag na Brahmin na kung saan ang pinakamaliit na grupo at mga pari ang miyembro. Ksatriya naman sa mga mandirigma at pangalawa sa herarkiya.

Ang Vaisya naman ay ang mga mangangalakal at magsasakang may lupa, Sudra naman sa mga magsasaka na walang lupa, at ang pinakamababang antas naman ay ang mga Pariah na kung saan sila lamang ay naglilinis ng kalsada p nagbibitay sa mga kriminal.