Katanungan
ano ang sistemang encomienda?
Sagot
Ang sistemang encomienda ay ang pagsingil ng buwis sa mga tao o mamamayan. Ang pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay nagdulot ng malaking pagbabago sa sistemang kinagisnan ng mga Pilipino.
Ang mga pagbabagong ito ay ipinatupad ng mga mananakop upang sa gayon ay matugunan nila ang kanilang mga gastusin o pangangailangan habang sila ay nasa bansa.
Ilan sa sistemang ipinatupad nila ay ang paniningil ng buwis o tributo sa mga tao o encomienda. Ang pagbabayad ng tributo ay sinisingil sa mga tao upang may magamit ang mga Espanyol sa pagpondo sa kanilang sandatahang lakas, gastusin, ekspedisyon, at maging ang pagbibigay ng pension sa kasundaluhan.