Katanungan
ano ang sistemang mandato (kahulugan Tagalog)?
Sagot
Ang sistemang mandato o mandate system ay isang panukala na kung saan ang isang bansa na naghahanda upang maging isang nagsasarili o malayang teritoryo ay inaatasang mapasailalim ng isang Europeong bansa upang magabayan at mapatnubayan ito.
Ang sistemang ito ay naranasan ng Imperyong Ottoman matapos itong mapasailalim sa pangangalaga ng France at Britain matapos hindi magwagi sa Unang Digmaang Pandaigdig.
Ang France at Britain ang nagsilbing mga bansang tagapangasiwa ng imperyo upang higit na magabayan. Ang sistemang mandato ay isang kautusan na nakapaloob sa Artikulo 22 ng tipan na siyang ginagamit at sinusunod ng Leaugue of Nations upang mapanatili ang kaayusan.