Katanungan
ano ang solid waste?
Sagot
Ang solid waste ay ang mga kalat o basura na nasa iba’t ibang lugar ng isang bansa. Halimbawa na lamang ang mga plastik, bulok na pagkain, at iba pang nahahawakang materyales na nagbibigay polusyon o kalat sa kapaligiran.
Mahalaga na malinis ang mga solid waste dahil lalo lamang kakalat ito sa ating kapaligiran at tiyak na makakasira pa sa kalikasan.
Bukod pa rito, maaari rin makakuha ng sakit ang mga tao mula sa mga basura kung hindi ito agad na naasikaso dahil sa amoy o bacteria na nakapaloob doon.
Higit pa, ang solid waste ay malaki ang dagok sa ating kalikasan kung napabayaan.