Ano ang solusyon ng pagdami ng sasakyan?

Katanungan

ano ang solusyon ng pagdami ng sasakyan?

Sagot verified answer sagot

Una ay dapat ayusin ng gobyerno ang pampublikong transportasyon upang mas maenganyo na lamang gumamit ng pampublikong transportasyon ang mga tao at hindi na bumili ng kaniya kaniyang sasakyan.

Bumibili ang mga tao dahil nais nila makaluwag at magkaroon ng payapang byahe kung saan man sila pupunta.

Dahil sa napakasikip at hindi epektibong transportasyon sa bansa, mas nanaisin na lamang ng may kayang Pilipino na bumili ng kotse upang hindi na maghintay sa napakahabang pila, siksikan, at kakaonting dumadating na PUV o public utility vehicles.

Bukod pa rito, dapat mas pagtuunan din ng pansin ang mga kalsada upang mas magkaroon ng espasyo para sa mga pampublikong sasakyan.