Ano ang Substitute na Produkto?

Katanungan

Ano ang substitute na produkto?

Sagot verified answer sagot

Ang substitute na produkto ay tumutukoy sa mga produktong maaaring ipanghalili kung ang produktong nais bilhin ay hindi makukuha sa pamilihan o kaya naman ay mataas ang presyo ng orhinal na produkto. Ang mga panghaliling produkto ay may kaparehong gamit sa orihinal.

Karaniwang tinatangkilik ng mga mamimili ang substitute na produkto dahil sa mataas na presyo ng bilihin kung kaya naman lumiliit ang bilang ng demand ng mga produktong nakapaloob sa mataas na halaga.

Samantala, tumataas naman ang demand ng mga panghalili dahil sinisikap ng mga mamimili na makahanap ng mga produktong may kaparehong gamit subalit mabibili sa mas murang halaga.