Ano ang tamang dahilan kung bakit gumagawa ang isang tao?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang tamang dahilan kung bakit gumagawa ang isang tao?

Sagot verified answer sagot

Ang bawat tao ay may kanya-kanyang kadahilanan kung bakit siya ay gumagawa ng mga bagay-bagay. Ito ay naiimpluwensyahan ng iba’t-ibang pananaw at bagay sa kanyang buhay.

May mga taong gumagawa dahil kailangan nilang kumita upang matustusan ang mga pangangailangan sa kanilang bahay at buhay. May mga taong gumagawa dahil sila ay may busilak na puso at nais lamang nilang makatulong.

Ang ibang gawain naman ng mga tao ay nakabase sa kanilang kakayahan. Kung may talento ang isang tao tungkol sa isang bagay ay tiyak na gagawin niya ito. Habang mayroon ring iba na gumagawa dahil lamang gusto nila ng mapaglilibangan.